KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pi•rá•so

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
pedazo
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Takdang bahagi o laki ng anuman na nahahangganan.
Isang piráso ng tinapay ang almusal ko.

2. Bagay ng isang partikular na uri, lalo na ang napapabílang sa set.
Anim na piráso ng silya ang hiniling ko.

3. Isa sa mga bahaging kinalalabasan ng paghahatì o pagkasirà.
Natibô siyá ng mga piráso ng baság na salamín.

Paglalapi
  • • kapiráso, pagpiráso: Pangngalan
  • • ipiráso, magkapirasó, magkapirá-pirasó, maipiráso, mapiráso, mapiráso, pagpirá-pirasuhín, pirasúhin, pumiráso: Pandiwa
  • • pirá-pirasó: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.