KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•tú•ngo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
túngo
Kahulugan

1. Kilos na para sa isang layunin o direksiyon.

2. Pagdáko o paggawi sa isang tanging pook.

pa•tu•ngó

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Salitang-ugat
tungó
Kahulugan

Sa áyos na nakatungó.
Iayos mo nang patungó ang bentilador.

pa•tú•ngo

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Kahulugan

Nása direksiyon ng.
Lumilipad patúngong hilaga ang sinasakyan niyang eroplano.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?