KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pás•ta

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. DENTISTERIYA Substance na ipinamamasak sa bútas ng ngipin upang mapanumbalik sa dáting anyo.

2. Kolokyal na tawag sa pandikit.

Paglalapi
  • • pampásta: Pangngalan
  • • pástahán: Pandiwa

pás•ta

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Italian
Kahulugan

KULINARYO Pagkaing may iba’t ibang hugis na may kaniya-kaniyang tawag, gawa sa arina, tubig, at kung minsan ay itlog, na iniluluto sa kumukulong tubig at nilalagyan ng sarsa.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?