KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•ni•wa•là

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
pang+tiwalà
Varyant
pa•ni•ni•wa•là
Kahulugan

1. Sariling palagay ukol sa mga katotohanan ng isang bagay (may katibayan man o wala).

2. Alinman sa mga ipinalalagay na totoo sa mga bagay-bagay ng mundo (gaya ng pananampalataya sa isang relihiyon).

3. Pagkilala o pagtanggap sa sinasabi ng kapuwa.

Paglalapi
  • • maniwalà, mapaniwalà, mapaniwalà, paniwaláan, papaniwaláin, pinaniwalà: Pandiwa
  • • kapaní-paniwalà, mapaniwalaín, mapaniwalà: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?