KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•na•gú•tan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
pang+sagót+an
Kahulugan

Tingnan ang pananagútan

pa•na•gu•tán

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Pinagmulang Salita
pang+sagót+an
Kahulugan

1. Balikatin ang anumang mangyayari o ibubunga ng isang gawain.
Káya kong panagután ang pagkalugi ng kompanya.
SAGUTÍN

2. Tiyaking talagang totoo o mapanghahawakan.
Panagután mo ang pagdalo ng ating alkalde.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.