KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•man•tá•yan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
pang+pantáy+an
Kahulugan

Anumang huwarang pinagkasunduan o pinagtibay; sukatán na ginagamit na salígan upang pagpasiyahan ang súkat, dami, laki, uri, timbang, halaga, antas, kahusayan, kawastuan at iba pang anuman, alinsunod sa pasiya ng kinauukulang kapangyarihan o ng iba pang kinaugalian.
ISTÁNDARD, STANDARD, SUKATÁN, BATAYÁN

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?