KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•ma•ma•hi•ngá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
hingá
Kahulugan

1. Pagtigil sa anumang ginagawa upang mapawì ang págod.
Higit ang kaniyang pamamahingá kaysa pagtatrabaho.
HIMPÍL

2. Tuluyang pagtigil sa paglilingkod sa isang tanggapan, pagawaan, sa pagnenegosyo, o anumang gawain.
Balak niyang paagahin ang pamamahingá imbes na sa gulang na animnapu’t lima.
PAGRERETÍRO

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.