KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pá•ma•ha•la•án

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
pang+bahalà+an
Kahulugan

1. Opisyal na pangkat ng mga táong may kapangyarihang mamahala at kumontrol sa isang bansa o estado.
GOBYÉRNO

2. Uri ng sistemang ginagamit sa pamamahala sa isang bansa o estado.

Paglalapi
  • • pinamahaláan: Pandiwa
  • • pampámahalaán: Pang-uri

pa•ma•ha•lá•an

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Pinagmulang Salita
pang+bahalà+an
Kahulugan

Gamitan ng kapangyarihan bílang opisyal; tingnan kung ang lahat ay nása áyos at nagaganap nang wasto.
Inatasan siya ng pangulo na pamahaláan ang proyekto ng samahán.
PAMANIHALÁAN

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?