KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•li•wá•nag

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
liwánag
Kahulugan

Anumang pahayag upang maipaunawa ang isang bagay o magbigay ng katwiran.
Madalíng intindihin ang paliwánag niya tungkol sa aralín.
PAGLILÍNAW, EKSPLANASYÓN

Paglalapi
  • • pagpápaliwánag: Pangngalan
  • • ipaliwánag, magpaliwánag, maipaliwánag: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?