KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pá•lí•tan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
palít
Kahulugan

1. Pagbibigay ng isang bagay sa sinuman at pagtanggap naman ng anuman sa táong binigyan.

2. Pagkuha sa tungkulin o kinatatayuan ng isa’t isa.

Paglalapi
  • • pagpapálítan: Pangngalan
  • • magpálítan: Pandiwa

pa•li•tán

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Salitang-ugat
palít
Kahulugan

Halinhan o lagyan na ng iba.
Palitán mo na ng bago ang iyong bag.
HALIPÁN

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?