KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pá•lad

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Panloob na rabáw ng kamay mula sa galáng-galáng hanggang sa punò ng mga daliri.

2. Búhay na dinaranas ng sinuman.

3. Nakakahawig na bahagi rito na may mga bútas na suotan ng tornilyong nagkakabit sa sabat ng araro.

Paglalapi
  • • kapaláran, sápalarán: Pangngalan
  • • magkapaláran, magkapálad, mapaláran, palárin, pinálad: Pandiwa
  • • kapós-pálad, mapálad, pinálad : Pang-uri
Idyoma
  • bukáng-pálad
    ➞ Hindi maramot; maluwag sa pagbibigay ng pera.
  • bukás ang pálad
    ➞ Laging handang magbigay ng anuman sa iba; may mabuting kalooban.
    Bukás ang pálad niya sa mga kaibigan.
  • kadaúpang-pálad
    ➞ Kaibígan o katapatan.
    Siya ay kadaúpang-pálad ng aking kapatid.
  • kapós-pálad
    ➞ Walang suwerte, sawimpalad.
    Tinulungan ng mga kapitbahay ang kapós-pálad na si Nena.
  • kasawíang-pálad
    ➞ Hindi magandang kalagayan o pangyayari.
  • makapál ang pálad
    ➞ Masipag; palagawa.
  • nakadáop-pálad
    ➞ Nakilala at nakausap.
    Si Luisa ay nakadaóp-pálad ni Alex sa isang handaan.
  • nakaisáng-pálad
    ➞ Napangasawa.
  • pagkáin sa pálad
    ➞ Pakisamahan at tratuhing mabuti.
  • pagdaraóp-pálad
    ➞ Pagkikilála.
  • kasaliwaáng-pálad
    ➞ Kawalang-suwerte sa búhay o anumang adhikain.
  • kasamaáng-pálad
    ➞ Kamalasan; kabiguan.
  • samaíng-pálad
    ➞ Malasin o mabigo.
  • sawíng-pálad
    ➞ Nása masamáng kalagayan o nagdurusa.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?