KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pak•yáw

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
pak-kiau
Pinagmulang Wika
Chinese
Kahulugan

1. Pagbili nang lahatan.

2. Kasunduan ng patrabaho at ng manggagawà sa pagtapos sa isang gawain sa loob ng isang taning na panahon at tiyak na halaga.

Paglalapi
  • • mámamakyáw, pakyáwan: Pangngalan
  • • mamakyáw, mapakyáw, namámakyáw: Pandiwa

pak•yáw

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Lahatan (kung sa bilihan).

2. Hindi arawan (kung sa isang gawain).

Paglalapi
  • • pákyawan: Pangngalan
  • • makapakyáw, pakyawín: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.