KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•í•law

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
ilaw
Kahulugan

1. Anumang ilaw na nagsisilbing palamuti.

2. Bagay na kauri ng kuwitis na kapag sinindihan ay tumataas at bumubuo ng iba’t ibang pigura ngunit hindi pumuputok.
PAÍSIS

3. Paggamit ng ilaw nang walang báyad; halagang nauukol sa ilaw na ibinibigay bílang kaluwagan sa inuukulan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?