KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•hi•wá•tig

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
hiwátig
Kahulugan

1. Tingnan ang hiwátig
Hindi ko naintindihan ang kaniyang pahiwátig na ibig niyang sumáma sa pamamasyal.

2. Pagbibigay ng ibang kahulugan sa halip na totoong kahulugan.
PARAMDÁM, PASÁRING, PARINÍG

3. Tingnan ang palatandáan

pa•hi•wá•tig

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Salitang-ugat
hiwátig
Kahulugan

Sa paraang hindi sinasabi nang tuwiran.
Pahiwátig lang siyang kumokontra sa panukala.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.