KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•ham•bíng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
hambíng
Kahulugan

Pang-uring lantay na sa pagbabagong-anyo o sa tulong ng ilang kataga at salita ay nangangahulugan ng pagtutulad ng mga tao, bagay, o pangyayari.
Siya ay higit na matalino kaysa kaniyang kapatid.

pa•ham•bíng

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
hambíng
Kahulugan

1. Nauukol sa pamamaraang gumagamit ng paghahambing sa mga bagay.

2. Nagpapakilala ng pangalawang antas ng paghahambing ng mga pang-uri.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?