KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•ha•yág

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
hayág
Varyant
pa•há•yag
Kahulugan

1. Pagsasabi ng anumang niloloob ng isang tao; pagsasawika ng iniisip o damdámin.

2. Pormal na pagpapabatid ukol sa isang kalagayan o pangyayari na ipinaalam sa madla.

3. Nakasulat na pagpapabatid sa mga tadhana at layunin ng isang kasunduan.
DEKLARASYÓN

Paglalapi
  • • mamamahayág, pagpapahayág, pahayagán, pamahayagán, pamaháyag, pamamahayág, tagapagpahayág: Pangngalan
  • • ipahayág, magpahayág, magpapahayág: Pandiwa
  • • nagpapahayág: Pandiwa
  • • nagpapahayág: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!