KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pag•tu•tu•rò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
turò
Kahulugan

1. Pagsasabi ng direksiyon kung nasaan ang anumang hinahanap.

2. EDUKASYON Pagbibigay ng kaalaman, kasanayan, kakayahan, atbp. sa isang nag-aaral.
INSTRUKSIYÓN

3. Tawag din sa propesyon para dito.

4. Pagpapakíta ng anuman sa pamamagitan ng pagtatapat ng daliri dito.

pag•tu•tu•rô

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
turò
Kahulugan

Pagtatapat ng daliri sa kung saan-saang direksiyon o bagay.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?