KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pag•su•su•rì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
surì
Kahulugan

1. Masusing pag-aaral o pagsisiyasat sa anumang ibig maláman o matuklasan.
Naging maingat ang doktor sa pagsusurì sa karamdaman ng pasyente.
ANÁLISÍS

2. MEDISINA Pagsisiyasat sa isang bahagi ng katawan o sa likido mula rito sa pamamagitan ng mga kemikal o aparato upang matuklas kung may suliranin.
Kumuha siya ng pagsusurì sa dugo para matsek ang kaniyang kolesterol.
TEST, PAGSÚBOK, TÉSTING

pag•su•su•rì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
suri
Kahulugan

Pananahi nang pasuri.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?