KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pag•pa•pa•tu•pád

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
tupád
Kahulugan

Pagganap o pagsasagawa sa anuman, lalo na ang mga patakaran, plano, programa, atbp.
Mahigpit ang pagpapatupád sa batas hinggil sa pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong tanggapan.
IMPLEMENTASYÓN

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.