KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pag•ki•lá•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
kilála
Kahulugan

1. Anumang pagsang-ayon o pag-amin na tunay o totoo ang isang bagay.
Ang pagkilála mo sa iyong pagkakámalî ay nakalugod sa ating gurò.

2. Anumang pag-alam o pagpapatunay na ang isang tanging bagay, tao, atbp. ay talagang iyon nga.
Ang pagkilála sa isang lagdâ ay nangangailangan ng tulong ng isang dalubhasà.

3. Pagtanggap na ang anuman ay may bisà o may karapatang isaalang-alang o kilalanin.
Marapat lámang ang pagkilála sa bagong talagang pangulo ng eskuwelahan.

4. Anumang pagpapahalaga sa kabutihan, paglilingkod, kanais-nais na katangian, atbp. ng isang tao.
Ang pagkilála ng utang-na-loob sa táong tumulong sa kaniya ay hindi niya isasantabi.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.