KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pag•ka•tá•pos

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Salitang-ugat
tápos
Kahulugan

1. Tingnan ang pagkaraán
Pagkatápos ng limang minuto ay umulan nang malakas.

2. Sa dákong hulí.
Kakanta ang mga magulang pagkatápos ng palatuntunan.

3. Pagkayarì o pagkagawâ.
Pagkatápos mong maglabá sumunod ka sa akin sa taás.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.