KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pag•ka•ma•táy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
patáy
Varyant
pag•ka•ka•ma•táy
Kahulugan

1. Pagkalagot ng hininga o pagkawalâ ng búhay.
Ikinalungkot ng lahat ang kaniyang pagkamatáy.

2. Pagkasirà, pagkatapos; tuluyang pagkawalâ.
Ang pagkamatáy ng negosyo niya ay bunga ng pagkahilig niya sa sugal.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.