KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pag•ka•ká•ta•ón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
taón
Kahulugan

1. Pangyayari o kalagayan na nagdudulot ng posibilidad na mangyari ang anuman.
Bibigyan ang lahat ng pagkakataón na magsabi ng puna.

2. Anumang sitwasyon na mainam para sa ikagaganap ng isang bagay na ibig matupad.
Pagkakataón mo na ito para patunayang mahusay ka.
KAPANAHÚNAN, OPORTUNIDÁD, PANAMÀ, TSÁNSA, CHANCE

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?