KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pú•tol

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagpatíd sa mga bagay na katulad ng lubid, pisì, sinulid, ugat, atbp.
LAGÓT

2. Paggamit ng patalim upang alisin o hatiin ang bahaging ibig ihiwalay.

3. Bawat piraso o bahaging inihiwalay o inalis.

4. Pagbabawal o pagpapatigil sa ipinalalagay na hindi na dapat magpatuloy na gawain o proseso.

Paglalapi
  • • kapútol, pagkakapútol, pagkapútol, pagpútol: Pangngalan
  • • ipampútol, magpapútol, magpútol, mapútol, pagputól-putulín, pagputól-putúlin, pumútol, putúlan, putúlin: Pandiwa
  • • papútol-pútol, putól, putól-putól: Pang-uri
  • • papútol: Pang-abay
Idyoma
  • kapútol ng púsod
    ➞ Kapatid.
    Kapútol ng púsod ko ang iyong kaibígan na si Ric.

pu•tól

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Hindi buo, o nabawasan na kung sa pisì, lubid, atbp.
LAGÓT

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.