KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pá•yo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pala-palagay na iminumungkahi o inihahandog na karapat-dapat sundin (gaya ng sinasabi ng mga magulang sa kanilang anák para sa kabutihan o ikapapanuto nitó).
HÁTOL, PAALAÁLA, PANGÁRAL

Paglalapi
  • • pagpapáyo, pagpáyo, tagapáyo: Pangngalan
  • • ipáyo, magpáyo, mapagpayúhan, mapayúhan, pagpayúhan, payúhan, pinayúhan: Pandiwa
  • • maipapáyo: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.