KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pá•sok

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtúngo sa loob na espasyo.

2. Pagdalo sa klase sa paaralan.

3. Pagtúngo sa lugar ng trabaho o anumang pinaglilingkuran.

4. Pagdating ng anuman.
Tuloy-tuloy ang pások ng pera sa kaniya.
SALTÁ

Paglalapi
  • • pagpapások, pagpások, pamások, pasukán: Pangngalan
  • • ipások, magpapások, magpások, makapások, manghimások, mapások, namamasúkan, papasúkin, papások, pasúkan, pasúkin, pinapások, pinasúkan, pinások, pumások: Pandiwa
  • • mápapások, pumapások: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?