KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pá•res

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
pá•ris
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Anumang dalawang bagay na iisa ang uri na pinagbabagay upang magkasamang magamit.
Ang páres ng sapatos na binili niya ay agad na nasirà.
PARÉHA

2. Anumang bagay o bílang na nahahati nang dala-dalawa (hindi gansal).
Ang 4, 6, at 10 ay mga bílang na páres.
TUKÓL

Paglalapi
  • • kapáres, pagpapáres-páres : Pangngalan
  • • pagparésin: Pandiwa

pá•res

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Lutuing Pilipino na bakang nilaga sa toyò at ipinares sa sabaw.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.