KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ne•gós•yo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
negocio
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Pamimilí at pagbebenta ng mga kalakal o pag-aalok ng serbisyo upang kumita ng pera.
Mahina ang negósyo niya sa probinsiya.

2. Ang entidad na nagsasagawa nitó.
BÍSNES, KÁLAKALÁN, KOMÉRSIYÓ, BUSINESS

Paglalapi
  • • magnegósyo: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?