KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

nang

Bahagi ng Pananalita
Pangatnig
Kahulugan

Tingnan ang úpang
Ako'y maagang aalis nang hindi akó mahulí.

nang

Bahagi ng Pananalita
Pang-ukol
Kahulugan

Sa panahon o noong panahon.
Kumakain na silá nang dumating akó.

nang

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Kahulugan

Katagang nagpapahayag kung paano o gaano.
Umiiyak nang malakas ang sanggol.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.