KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

muk•hâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Sanskrit
Kahulugan

1. ANATOMIYA Harap na bahagi ng ulo na kinalalagyan ng noo, mata, ilong, at bibig.
KÁRA

2. Mainam na bahagi ng anumang ipinakikita o inihaharap.

3. Pagsasabi nang harápan at talampak o tahas.

Paglalapi
  • • pagkakamukhâ, pagmumukhâ : Pangngalan
  • • ipamukhâ, makamukhâ, mamukhaán, mapamukhaán: Pandiwa
  • • kamukhâ: Pang-uri
Idyoma
  • makapál ang mukhâ
    ➞ Walang-hiya.
  • may mukhâ
    ➞ Maganda.
  • may mukháng ipakikiharáp
    ➞ Walang súkat ikahiyang masamáng nagawa.
  • ipamukhâ
    ➞ Harápan at tahasang sabihin.
  • dalawáng mukhâ
    ➞ Ikinakapit sa mga táong kung sino ang kaharap ay siyáng minamagaling dahil sa hangad na maging mabuti.
  • tablá ang mukhâ
    ➞ Walang-hiya.
  • waláng mukháng ipakikiharáp
    ➞ Hiyang-hiya dahil sa nagawang hindi mabuti.
  • mukháng péra (hindî salapî)
    ➞ Sa kuwarta lámang tumitingin.
  • waláng mukhâ
    ➞ 1. Hindi makaharap sa tao dahil sa kahihiyan. 2. Pangit.
  • pinamukhaán
    ➞ Sinabihan nang lantáran at tahásan.
  • mukháng Biyérnes Sánto
    ➞ Nakasimangot, masamâ ang mukha.
  • mukháng bangús, mukháng Kastilà
    ➞ Maputing matangos ang ilong bagaman isang Pilipino.
  • magaspáng ang mukhâ
    ➞ Hindi marunong mahiya.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?