KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

mo•no•pól•yo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
monopolio
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Estruktura ng pamilihan kung saan may iisang entidad na nangangalakal ng partikular na produkto.
May monopólyo silá sa gasolina ng eroplano.

2. Tawag din sa mga negosyong nagpapatupad nitó.
KARTÉL

3. Eksklusibong kapangyarihan o karapatan sa pag-aari ng anuman.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.