KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

mo•dé•lo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
mó•del
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Biswal na representasyon ng anumang bagay na karaniwang para sa mga iminumungkahi pa lámang na buoin o wala ang pisikal na presensiya.

2. Payak na paglalarawan ng anumang sistema o konsepto.

3. Tingnan ang huwáran

4. Táong may propesyong magtanghal sa sarili kasáma ng isang produkto (lalo na ng damit) upang makunan ng retrato.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?