KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

mí•sa kan•tá•da

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
misa cantada
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Misang inaawit ng pari at ng nása koro.

mí•sa de gál•yo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
Misa de Gallo
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Tingnan ang simbáng-gabí

Mí•sa de A•gi•nál•do

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
Misa de Aguinaldo
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Sa mga Katoliko, misa sa hatinggabí ng 24 Disyembre.
Nagbibihis na silá para sa Mísa de Agináldo.

mí•sa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Sa mga Katoliko, pagtitipon sa simbahan para ipagdiwang ang banal na Eukaristíya.

Paglalapi
  • • pamísa: Pangngalan

mí•sa ma•yór

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Sa Simbahang Katolika, uri ng misa na may kompletong seremonya kabílang ang tugtúgin at pag-iinsenso.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?