KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

me•nór

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Pagpapahina sa takbo ng awto o trak.

Paglalapi
  • • pagkamenór, pagmemenór: Pangngalan
  • • imenór, magmenór, pagmenorán: Pandiwa

me•nór

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Mabagal (kung sa sasakyán).

2. Wala pa sa hustong gulang.
MUSMÓS, MINOR

3. Nauukol sa akordes ng musika, na ang ikatlong nota búhat sa notang batayán ay mababà ng kalahating tono.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?