KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•ta•ás na pá•a•ra•lán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
mataás+páaralán
Kahulugan

EDUKASYON Paaralang sunod na pinapasukan ng mga batang nagtapos sa mababang paaralan na binubuo rin ng anim na baitang.
HÁYSKUL, PÁARALÁNG SEKUNDÁRYA, SECONDARY, SEKUNDÁRYA

ma•ta•ás

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
taás
Kahulugan

1. Maangat.

2. Maasenso.

ma•ta•ás

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
taás
Kahulugan

1. May taas; nauukol sa kahigtan sa súkat sa taas.

2. Tingnan ang matáyog

3. Tingnan ang dakilà

4. Tingnan ang matinís

5. Tingnan ang mahál

6. Maasenso.

Paglalapi
  • • magmataás: Pandiwa
Idyoma
  • mataás na táo
    ➞ 1. Mapagmalaki. 2. Táong may mataas na katungkulan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?