KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•sa•ráp

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
saráp
Kahulugan

1. Kasiyá-siyáng lása ng anumang pagkain.
Masaráp ang ulam namin kanina.
MALINAMNÁM, MALÁSA, SABRÓSO

2. Maginhawa sa katawan (halimbawa ay isang malambot na silya na masarap upuan).
Masaráp sa pakiramdam ang makatulong sa nangangailangan nang walang hinihintay na kapalit.
KASIYÁ-SIYÁ

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.