KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•ru•pók

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
dupók
Kahulugan

1. Madalíng masira dahil sa mahinang estruktura o materyal.
Mag-ingat ka sa pagbubuhat niyan dahil marupók na.
BABASAGÍN, LAÁS, FRAGILE, GAPÓK

2. Mahina ang pangangatawan.
Marupók na si Lolo dahil sa katandaan.

3. Mahina ang loob o madalíng matukso.
Huwag kang magtiwala kay Sarah dahil isa siyang táong marupók.

4. Mabilis na mapaibig sa tao.
Inlab agad sa kakakilála lang ang táong marupók.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?