KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

man•híd

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkawala ng pandama ng alinmang bahagi ng katawan dahil sa págod, sakít, pagkababad sa tubig o pagkapigil ng takbó ng dugo sapagkat napipî ang ugat na nadiinan o nadaganan.
MÍTIG, NGIMÁY

man•híd

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Walang pakiramdam dahil sa págod, sakít o pagkababad sa tubig o pagkapigil ng takbó ng dugô.
NANGINGIMÁY, NAMIMÍTIG

Paglalapi
  • • pamamanhíd, pampamanhíd: Pangngalan
  • • ipampamanhíd, magpamanhíd, mamanhíd, pamanhirín: Pandiwa
  • • manhírin, pampamanhíd: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?