KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

mang•yá•ri

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
yári
Kahulugan

Kasapitan ng anuman.
Anuman ang mangyári ay hindi akó susuko sa kaniya.

mang•yá•ri

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Kahulugan

Talaga, kapag sinundan sa gámit ng katagang “pa”; nakakaisang diwa ng oo at nagpapahiwatig ng maaari bang hindi.
Uuwi ka ba? Mangyári pa.

mang•yá•ri

Bahagi ng Pananalita
Pangatnig
Kahulugan

1. Tingnan ang dáhil
Hindi ako makakain, mangyári kakakain ko lámang ng bibingka.

2. Tingnan ang pagkát

mang•yá•ri

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Kahulugan

Maganap, matupad.
Mangyári na ang mangyári ay matutulog akó ngayong maghapon.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?