KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•la•lâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
lalâ
Kahulugan

May malubhang problema, hindi na mapagagaling mula sa sakít.
Malalâ na ang sakít ni Lolo Jose.
GRÁBE

ma•lá•la

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Salitang-ugat
lála
Kahulugan

Mahabi (gaya ng basket o banig).
Matagal bágo malalà ang malapad na banig.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.