KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•ka•pál

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
kapál
Kahulugan

1. Mataas ang súkat ng gilid ng anumang bagay na lapád at buo.
MABINTÓG

2. Maraming salapi.
Makapál na ngayon si Jose.
MAYÁMAN

Idyoma
  • makapál ang mukhâ
    ➞ Walang-hiya.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?