KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

mag•pa•lá•kad

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Salitang-ugat
lákad
Kahulugan

1. Tingnan ang mamahalà
Ikaw ang magpalákad ng negosyo ng lola dahil mapagkakatiwalaan ka.

2. Magmaneho.

3. Makisuyo sa iba ng pag-aasikaso ng papeles.
Magpalákad ka kay Tina ng iyong papeles sa pagreretiro pára mapabilis ang transaksiyon.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?