KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•a•li•wá•las

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
aliwálas
Kahulugan

1. Maluwag at maliwanag (kung sa paligid).
Maaliwálas itong napili n’yong hotel.

2. Maganda at tahimik (kung sa panahon).
Naging maaliwálas ang kapaligiran pagkaraan ng bagyo.

3. Masaya (kung sa mukha).
Maaliwálas ang itsura mo ngayon, a?
KAIGÁ-IGÁYA

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?