KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•a•a•rì

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Tumutukoy sa anumang posibleng umiral, maganap, magawa, at iba pa.

2. Tingnan ang magagámit
Maaarì mong isuot ang damit na iyan kapag may okasyon.

ma•a•a•rì

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Kahulugan

Salitáng tumitiyak sa posibilidad o pahintulot ng anuman.
Maaáring matapos ang proyekto kung darating si Noli.
PUWÉDE, POSÍBLE

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?