KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

má•na

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang bigay o inihabiling kayamanan o ari-arian ng isang tao sa kamag-anak o sinuman bago mamatay.

2. Ugali o katangiang pangkatauhan na naisasalin sa mga anak.

3. Pang-araw-araw na pagkaing idinulot ng dakilang Diyos sa mga Israelita noong ang mga ito ay nása gipit na kalagayan.

Paglalapi
  • • pagmamána, pamána, tagapagmána: Pangngalan
  • • manáhan, ipamána, magmána, magpamána, mamána, manáhin: Pandiwa
  • • mánang-mána: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.