KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lu•wal•ha•tì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
luar+hati
Pinagmulang Wika
Malay
Kahulugan

1. Kaligayahang walang hanggan.
HIMAYÀ

2. Dakilang karangalan o kabantugan.

3. Ganap na kasaganahan.
GLÓRYA

Paglalapi
  • • kaluwálhatían: Pangngalan
  • • lumuwalhatì, luwalhatíin: Pandiwa
  • • maluwalhatì: Pang-uri

Lu•wal•ha•tì sa A•má

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

TEOLOHIYA Kilaláng dasal ng mga Katoliko na bumabanggit sa Banal sa Santatlo.
GLÓRYA PÁTRI

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.