KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lu•sót

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagdaan sa isang maliit at makipot na bútas, siwang, o anumang puwedeng daánan.

2. Paglampas sa nauuná ng isang nahuhulí.

3. Pagtatagumpay sa isang suliranin, tunggalian, o pagsubok.

4. Pag-abot nang palihim ng anuman sa sinuman.

Paglalapi
  • • palusót: Pangngalan
  • • lumusót, magpalusót, mapalusót: Pandiwa

lu•sót

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Tingnan ang tagós

2. Tingnan ang lampás

3. Tingnan ang ligtás

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.