KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lu•páy•pay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Panghihina nang labis dahil sa kawalan ng pag-asa.

2. Paglungayngay ng mga bisig dahil sa labis na págod o ng mga pakpak, kung sa ibon.

Paglalapi
  • • panlulupáypay: Pangngalan
  • • manlupáypay, panlupaypayín, papanlupaypayín : Pandiwa

lu•pay•páy

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nanghihina ang pakiramdam; laylay na katawan; walang sigla.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.