KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lí•pas

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagdaraan ng panahon.

2. Pagkawala ng bisa, lakas, ganda, galíng, o espiritu.
KÚPAS

3. Paghupa sa katanyagan, kasaganaan, o kapanahunan.
LAÓS

Paglalapi
  • • paglípas: Pangngalan
  • • lipásan, lumípas, magpalípas, malipásan: Pandiwa
  • • nakalípas: Pang-uri

li•pás

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Wala na sa uso o hindi na karaniwang ginagamit.
OBSOLETE, LAÓS

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?