KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

li•pà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Paggíray-gíray ng katawan sa paglalakad dahil sa kahinaan.

li•pà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Dumi ng kalabaw na inihalo sa tubig at ipinapahid sa lupang pagmamandalaan.

li•pá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BOTANIKA Palumpong (Dendrocnide meyeniana) na tumataas nang hanggang 5 metro, taluhaba ang dahon, maputla ang ilalim at balót ng malambot na balahibong nagdudulot ng katí, maliliit ang bungang malamán, lilang mura o puti at tumutubò sa mga tanyag na sanga, at tinatawag din itong lipang-kalabaw at lipay.
LÍPAY

Tambalan
  • • lipáng-ásoPangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?